Vice Ganda explains #NoToSuicide Instagram post; thankful for jampacked Cebu concert

Vice Ganda on #NoToSuicide post on Instagram:“…kaya nung panahon na yun na nag-post ako sa Instagram, I just felt na parang dapat naa-address yung mga ganung issues sa mga kabataan.”

Masayang-masaya ang Asia’s Phenomenal Star na si Vice Ganda na naging jampacked ang kanyang Vice Gandang Ganda Sa Sarili Sa Cebu (Eh Di Wow) concert nitong nakaraang Linggo, July 19.

Kuwento ni Vice, “Super punung-puno!

“Tapos ang dami naming hindi napapasok kasi, tapos may mga bagets… tapos yung iba came all the way from Bohol.

“Pero hindi na talaga namin pinapasok, istrikto, 13 years old up lang ang puwedeng pumasok.”

Dagdag pa niya, “Pinapunta ko na lang sila sa dressing room tapos nagpa-picture ako sa kanila.

“Sobrang punung-puno yung venue. Nagbenta pa nga sila ng ano, e, ng mga extra tickets.”

#ViceGandangGandaSaSarili Sold Out Concert in Cebu . Thank you so much Madlang Cebuanos!!! I felt so much LOVE!!!A photo posted by Jose Marie Viceral (@praybeytbenjamin) onJul 20, 2015 at 1:28am PDT

Sa palagay ba ni Vice ay nakatulong ang pagtanggal ng kanyang concert billboards sa Cebu dahil “indecent” daw ito?

Matatandaang nitong unang linggo ng Hulyo, ipinatanggal ng lokal na pamahalaan ng Cebu ang billboards ng concert ni Vice dahil “sexually suggestive” daw ang mga ito.

Read: Vice Ganda billboard ads taken down in Cebu City for being “sexually suggestive”

Tugon niya, “I think so, I think nakatulong kasi sobrang pinag-usapan.

“Sabi nga nung producer, after nga na na-take down yung billboard, nagkaroon ng mga bali-balita, lumakas daw yung ticket.

“Nagpasalamat nga ako dun sa nagpatanggal.”

Kaugnay ng sinabi ni Vice na punung-puno ang venue at maraming nabentang tickets sa kanyang concert sa Cebu, tila taliwas ito sa ulat ng Cebu Daily News kung saan sinabing marami raw complimentary at buy-1-take-1 tickets ang naglipana noong araw mismo ng concert ng comedian-singer.
Read more about

Vice Ganda

Pero hindi na ito nasagot ni Vice dahil nakaalis na siya sa venue nang nabalitaan namin ang isyung ito.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Vice sa launching ng bago nitong endorsement, kasama si Angeline Quinto, ang Platinum Karaoke.

Ginanap ang presscon sa Luxent Hotel, hapon ng Martes, July 21.

#NOTOSUICIDE POST. Binigyang-linaw na rin ni Vice kung saan nanggaling ang Instagram post nitong #NoToSuicide, kalakip ng larawan nila ni Angeline habang nagba-bonding.

Ipinost ito ni Vice ilang araw pagkatapos magpatiwakal ng bunsong anak nina Nonie at Shamaine Buencamino na si Julia, 15, dalawang linggo na ang nakararaan.

Everyone has to have a friend. And your friend needs to be assured that he has a friend in you. So that in times of trouble he knows that he has someone to turn to. That he is loved. That he is never alone because he has a friend. A friend who listens, never judges, understands and sticks with him until his tears are dry. Let us be our friends’ strength. Let’s keep them. Don’t lose them. #NoToSuicideA photo posted by Jose Marie Viceral (@praybeytbenjamin) onJul 13, 2015 at 10:13am PDT

Paliwanag ni Vice, “Kasi hindi naman kami palaging magkasama ni Angeline.

“Pero tuwing magkasama kami, we make it a point na maganda yung moment na pagsasaluhan, talagang nagba-bond kami, hindi lang yung parang nagkikita lang sandali.”

Nangyari raw iyon pagkatapos nilang mag-pictorial para sa Platinum Karaoke.

Sabi pa ng 39-year-old comedian-TV host, “After ng shoot, sabi ko sa kanya, sumunod siya sa akin, dinala ko siya sa bahay ko.

“Hindi ko siya pinauwi, usap kami dun. Matinong usapan.

“Nakakatuwa lang, kasi Angeline trusts me so much.

“Ako din, maraming mga bagay na ipinagkatiwala ko sa kanya. Na-aapreciate ko yun.

“Noong mga panahong yun, ang daming issue tungkol sa suicide, mga issues concerning bagets.

CONTINUE READING BELOW ↓

NOOD KA MUNA!
Gladys Reyes on husband Christopher Roxas: “Masarap na asawa.” | PEP Troika Talk Ep. 17

“Kaya nung panahon na yun na nag-post ako sa Instagram, I just felt na parang dapat naa-address yung mga ganung issues sa mga kabataan—yung kahalagahan ng pagkakaibigan, kahalagahan na puwede kang pagkatiwalaan ng iyong kaibigan.

“Kasi maraming nasi-save na relationships, maraming nasi-save na buhay ng mga kabataan.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://newnewspaper24.com - © 2025 News